|
|
Ang hirap pala kapag may ibang bagay na pinagkakaabalahan ang nobyo mo habang ikaw nakatengga lang sa bahay. Nafigured out ko na kung ano ang nararamdaman ng mga housewife, all in awhile kapag tapos na ang kabundok na labada, plantsahin hugasin at linisin mapapaisip ka kung ano kaya ang ginagawa ng asawa mo.
Syempre di ako asawa girlfriend lang ako at malamang kung tatawag ako kay Papa Jack ngayon magagalit at maiirita siya sa pinoprotesta ko. Pero mahirap talaga sa pakiramdam yung maghapon may ginagawa at pinagkakaabalahan siya habang ako nag aantay na matapos lahat yon. Tapos pag gabi, pag uwi niya pagod na siya, mabilis na uminit ulo niya at kahit pa pilitin niya maikli na temper niya. Naappreciate ko naman na nagpipilit siya maglambing pero syempre hinahanap hanap ko kung pano niya ako lambingin gaya dati.
Gusto kong sabihin sa kanya na masaya ako buong maghapon pero di ko kaya. Kasi hindi naman talaga, bukod sa halos maubos oras ko kakatingin sa cellphone ko na BAKA lang naan naisipan nya akong kamustahin. Kaya nga ba ayaw kong naasa sa kahit sinong poncho pilato kasi alam ko at the end of the day bibiguin nila ako. Tatay ko nga lagi ako binibigo , siya pa kaya na di ko naman kadugo.
Di ko talaga alam kung bakit di ko madigest ng swabe ang biro ng taong di ko naman ganoon kaclose.
Kawawa naman yung nababash na bata from Tumblr . Bakit ba kasi kailangan palakihin ang issue diba? Mature na kayo so hayaan nyo na lang walang mangyayari kung papatulan nyo pa. At isa pa di nyo naman na siguro kailangan pang idefend yung mga schools nyo, kasi kusa naman mag stand out yan kahit wala kayong mga nagtatanggol.
Tang inang gabi to, tang ina ng mga taong walang alam kundi pera, tang inang friday the 13th, tang inang lakad yan, tang ina, TANG INA talaga!
Ang sarap idaan sa mura lahat ng nararamdaman ko ngayong gabi. Matagal tagal ko na ding di nagagawang magmura, kaya TANGINA! pagbigyan nyo na ako.